Paminsan nakakapagod magsalita para bang ang sarap tumahimik.
Minsan sinubukan kong tumahimik, alam kung ano ang pakiramdam?
Kakaiba ang aking naramdaman noong ako ay tumahimik, para bang ako ay nasa ibang dimensyon.
Bukod doon, nakaramdam din ako ng kalungkutan na noon ko lamang naramdaman sa buong buhay ko.
Mahiwaga ang katahimikan. Napakarami nitong ibig sabihin.
Ang sarap pakinggan ng katahimikan.
Bagamat, ito'y nakabibingi ngunit ito ay nakakaginhawa sa pakiramdam.
Sa katahimikan mo lang mararamdaman ang kapayapaan ng iyong isipan.
Malaya ka ring makapag-iisip ng nais mo.
Malaya mong pag-iisipan ang mga agam-agam sa buhay mo.
Pero huwag kang magpapakaluno sa katahimikan.
Paminsan ang katahimikan ay nakamamatay.
Dahil sa katahimikan, marami ang nababaliw, ang nagdurusa, ang naaapi.
Sa katahimikan, di natin maririnig ang kanilang mga hinanaing.
Sana ang mga taong nanahimik ng mahabang panahon ay muling magingay para isigaw ang kanilang mga hinanaing.
Atin ding alalahanin na may oras na kailangan nating tumahimik at may oras din na kailangan nating magsalita. Paminsan ang katahimikan ay nakabubuti ngunit atin ding isaalang-alang na ang katahimikan ay maaari ring makasira sa atin.
"Our lives begin to end the day we become silent about things that matter." (Dr. Martin Luther King Jr.)"
No comments:
Post a Comment