Tuesday, July 29, 2008

"Lungkot"

Sa buhay ng tao hindi maaaring mawala ang kalungkutan. Naandiyan ang iba't-ibang dahilan ng kalungkutan ng isang tao, maaaring dahil sa pag-ibig o pinansyal o may iba pang dahilan.
Sa oras na ito ako ay nakararamdam ng matinding kalungkutan na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Sadyang ang pakiramdam na ito ay napakahirap itago. Hindi kayang tumbasan ng ilang libong biro ang nararamdaman kong ito. Hindi kayang itago ng mapanlinlang kong mga ngiti ang kalungkutang nababakas sa aking mukha. Ikaw lang marahil ang makapagaalis nitong aking kalungkutan. Ako ay nangungulila sa'yo. Sana ay pansinin mo na ako dahil patuloy akong mababalisa sa'yo. Ang nais ko lang naman ay ang mapalapit ako sa'yo. Nais kitang maging matalik na kaibigan. Nais kong makakuha ng aral mula sa mga pinagdaanan mo. Sana ay pansinin mo na ako ng hindi na ako mahirapan sa pag-iisip sa iyo. Ikaw lang ang maka-aalis ng nararamadaman kong ito.



"This extraordinary feeling makes me suffer, makes me fool and makes me freak all the time. I am such an emotional person, but it does not mean that I am truly an emo, we are all emotional in such different ways."

No comments: