"Music is my life"
Hindi ata ako mabubuhay ng walang music. Nakakagaan ng pakiramdam ang pakikinig sa mga magagandang musika. Dito, malaya kong naipararating ang nasa saloobin ko.
Maraming klasipikasyon ang musika. Ikaw na lang ang bahalang pumili ng musikang tatangkilikin mo.
Ikaw ang aking musika. Nilalagyan mo ng masasayang nota ang buhay ko. Napagandang komposiyon ka ng buhay ko. Ngunit tulad ng mga nota, paminsan ikaw ay magulo dahil hindi kita maintindihan paminsan. Siguro nga sobra na itong nararamdaman ko para sa'yo. Ewan ko ba, kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Haay... Sadyang napakalayo mo sa akin. Hindi kita mahabol. Napakalayo kasi ng agwat mo sa 'kin. Pero hindi pa rin ako susuko, talagang nais kong makilala ka ng husto. Maaari ka bang magpakilala sa akin? Nais kong mapalapit sa'yo.
Ang puso ko'y naguumapaw sa kagalakan sa tuwina makikita ka. Parang isang masayang kanta ang bawat segundong sinusulyap-sulyapan ka. Nagtatalunan sa malambot kong puso ang mga nota ng kaligayahan. Sa bawat pagkakataon na ako'y di mo pinapansin ang katumbas noon ay isang bar na puro flat. Nakakapanlumo. Kaya nais ko sanang mapalapit sa'yo.
"Puno ang langit ang bitwin, at kay lamig pa ng hangin
sa'yong tingin ako'y nababaliw giliw at sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo, ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa'yo..."
"Every musical phrase for me has a purpose. It's like talking. If you talk with a particular purpose, people listen to you, but if you just recite, it's not as meaningful." (Itzhak Perlman)
No comments:
Post a Comment