After a long long time...
I am back!^^ Tagal ko din na hindi nakapagblog..
hhhmmm..
Busy kasi eh..
Speaking of that "Busy" thing...
may narealize ako after a long time na nawala ako...
Last term, last year ang daming nangyari...
Super busy, daming commitment, daming engagements, ang daming changes...
dahil dun, hindi ko namalayan na madami na din palang nawawala...
onti-onti silang nawawala ng hindi ko namamalayan...
dahil sobrang busy ako...
pero may magandang nangyari pa rin naman kahit ganun..
pero nakakapanghinayang na nawala yung mga bagay-bagay na yun...
"Lahat ng bagay na nageexist ay may kani-kanilang purpose kung bakit sila naandito para sa atin, kung bakit tayo naandito para sa kanila. Dapat lang at kailangan lang natin na makita ang mga ito upang habang maaga pa lamang ay napapahalagahan na natin ang mga ito para pag nawala ang mga ito ay hindi tayo manghihinayang. Matuto tayong iappreciate ang mga natatanggap natin maganda man o hindi, isipin na lang natin na itinakda ng Diyos ang mga ito para sa atin dahil makabubuti ito para sa atin. Marahil tayo ay nakalilimot sa mga tungkulin natin, normal lang iyon dahil hindi naman tayo perpekto pero sana sa susunod ay huwag na natin gawin ulit yun. Isa pang importanteng bagay, huwag natin hayaan na mawala ang tiwala ng isang tao sa atin, ang tiwala ay isang napakahalagang bagay dito sa mundo, pagyamanin natin ang tiwala ng ibang tao sa atin, tandaan natin na ang ating pangalan, pagkatao at dignidad ay napakaimportante, huwag natin hayaan na masira ito o mawala, may mga tao sa paligid natin na maninira sa atin, normal lang yun ang dapat lang natin gawin ay pasalamatan sila at huwag ng pagisipan ng masama, tulad nga ng sinabi ng Panginoon sa kaniyang panalangin 'Forgive our trespasses as we forgive those who trespass against us', '
But I tell you: Love your enemies and pray for those who persecute you; Matthew 5:44' Let us not forsake each other, we are brothers and sisters in the eyes of our God Almighty, there are no rich nor poor into his eyes, we are all equal in his eyes. Pahalagahan natin ang bawat isa, at ang bawat biyayang ibinigay sa atin ng Panginoon, maglaan tayo ng panahon para sa mga bagay-bagay sa ating paligid, sa ating mga mahal sa buhay, sa ating sarili at higit sa lahat sa Panginoong Maykapal."
I am a servant of the Lord, and I am accepting Jesus Christ with my whole heart and soul. Being a youth leader; it is my job to share the word of God to every youth and to all.